SOCHI, Russia- NAGING mabunga ang paghaharap nina Pangulong Rodrigo Duterte at Russian President Vladimir Putin sa ginawang bilateral meeting kahapon na ginanap sa conference room ng Polyana Hotel sa Sochi, Russia.
Pinasalamatan ng Pangulo si Putin sa kaniyang mainit na pagtanggap sa delegasyon ng Pangulo at binigyang-diin ang kahalagahan ng mga pinalakas na relasyon ng dalawang bansa.
Sa kanilang pagpupulong ay sinabi ng Pangulo ang kanyang hangarin na muling makabalik ng Russia upang maipagpatuloy ang naudlot na pagbisi-ta sa bansa noong Mayo 2017.
“I’m here today to build a robust and comprehensive partnership with the Russian (people),” sabi ni Duterte kay Putin.
Ayon sa Pangulo, nagkaroon ng dramatic increase sa kooperasyon ng dalawang bansa at nagkaroon kapwa ng aniya’y “historic firsts” sa ilang stra-tegic areas sa economic, defense, security at military maging sa technical cooperation.
Nabanggit din ng Pangulo ang pagbubukas kapwa ng dalawang bansa ng defense attaches na maituturing na indikasyon ng long-term committment upang mas lalo pang mapalakas ang relasyon ng Filipinas at Russia.
Ayon pa sa Pangulo, ang progreso ng relasyon ng dalawang bansa sa nakalipas na mga taon ay lalo pang pinalakas ng goodwill na ipinakita ng da-lawang bansa sa isa’t isa.
Sa panig naman ni Putin, sinabi niyang mahalagang katuwang ang Filipinas sa Asya kung saan sila at nagkakabenepisyo sa kanilang mga bilateral cooperation.
Marami na rin aniyang nakamit na tagumpay ang magkaibigang bansa sa larangan ng trade at economic cooperation.
Ayon pa kay Putin, handa sila na mas palawigin pa ang pakikipag-ugnayan sa Filipinas kung pag-uusapan ay ang pagsugpo sa teroris-mo. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.