UMAASA ang Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpapatuloy ng mga susunod na henerasyon na pangalagaan ang kabayanihan at kalayaan na ipinaglaban at napagtagumpayan ng mga Filipino 34 na taon na ang nakararaan sa pamamagitan ng makasaysayang rebolusyon.
Ito ang mensahe ng Pangulong Duterte sa paggunita sa ika-34 anibersaryo kahapon ng mapayapa at makasaysayang rebolusyon na nagpatalsik sa rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos mula sa kapangyarihan.
For its important role as a catalyst for the restoration of our democratic institutions more than three decades ago, the People Power Revolution remains as, beyond doubt, one of the most remarkable events in our nation’s history,” sabi ni Pangulo.
Ang naturang kaganapan sa kasaysayan ng bansa ang siya namang nagluklok sa kapangyarihan kay Corazon Aquino, maybahay ng yumaong senador Benigno Aquino Jr. upang maging presidente ng bansa.
“I therefore join the valiant heroes of EDSA and the countless others whose lives were touched by this bloodless uprising in commemorating its 34th anniversary with renewed hope that the succeeding generations of Filipinos will also have the courage, strength and determination to protect, defend, and preserve the liberties that we have won during the historic revolution,” giit pa ng Pangulo.
Umapela rin ito sa publiko na isantabi na muna ang political difference at sa halip ay magkaisa upang matiyak na maipagpapatuloy ang kahalagahan ng EDSA People Power Revolution sa darating na mga panahon.
Nakikiisa rin ang Pangulo sa mga bayani at daan-daang katao na naglakas loob na magsagawa ng mapapayapang pag-aaklas laban sa pamahalaan.
Bagama’t itinuturing nito na ang People Power Revolution na isa sa mga makasaysayan at pambihirang pangyayari sa kasaysayan ng bansa ay ni minsan ay hindi pa dumalo sa pagdiriwang ang Chief Executive.
Tuwing Pebrero 25 ipinagdiriwang ang revolution sa People Power Monument.
EVELYN QUIROZ PAGKAKAISA PINAKAMAHALAGANG MENSAHE
Naniniwala ang isang madre na ang pagkakaisa ng mga mamamayang Filipino sa iisang adhikain para sa bansa ang pinakamahalagang mensahe ng EDSA People Power Revolution.
Ang pahayag ni Sr. Mary John Mananzan, OSB, na dating pangulo ng St. Scholastica’s College at Former Co-Chairperson ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP), ay kaugnay sa ika-34 taong paggunita sa tinaguriang makasaysayang bloodless revolution.
Ayon kay Mananzan, walang imposible kung magkakaisa ang lahat para sa iisang layunin tulad ng ginawang pagsasamasama ng mga Filipino laban sa mapang-abusong rehimeng Marcos 34 na taon na ang nakalilipas.
Samantala, itinuturing naman ni Mananzan na isang pagkakamali at pagkukulang ng nagdaang henerasyon ang kawalan ng maayos na dokumentasyon sa mga nangyari sa bansa sa ilalim ng rehimeng Marcos.
Anang madre, hindi maisusulong ang “historical revisionism” kung naging masinop ang nakalipas na henerasyon sa pagtitipon ng mga alaala at isinama sa asignatura ng mga kabataan ang pag-aaral sa kasaysayan ng bansa.
Aniya pa, dahil sa hindi konkreto ang imahe at impormasyon ng mga kabataan sa madilim na bahagi ng bansa ay madali silang maniwala sa mga maling impormasyon o historical revisionism na ginagawa. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.