MGA BIGLAANG PAHAYAG NI DUTERTE SA PUBLIKO IPINAGTANGGOL

Senador Panfilo Lacson-5

IPINAGTANGGOL ni Senador Panfilo Lacson si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga biglaan at nakagugulat na pahayag nito sa publiko.

Inihalimbawa pa ni Lacson ang biglaang pagsasabi ng Pangulo na wala siyang tiwala kay Vice President Leni Robredo sa kabila na itinalaga ito ng presidente bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD.

Kamakailan din nagpahayag ang Pangulo na ipahihinto ang importasyon ng bigas at ipagbabawal ang electronic cigarettes.

Ayon kay Lacson, hindi na nasanay ang publiko sa Pangulo sa loob ng tatlong taon na panunungkulan.

Iginiit pa nito, may mga naging magandang resulta naman ang biglaang pahayag o ang pagiging authoritarian ni Pangulong Duterte.

Inihalimbawa pa ni Lacson ang biglaang pagpapasara ng Boracay na nauwi sa rehabilitas­yon na ngayon ay naging disiplinado na ang mga residente at mga turista sa lugar.

Aniya, ang pahayag ng Pangulo laban kay Robredo na inaakala natin na mali sa huli baka maging maganda rin ang resulta.

Gayunpaman, aminado si Lacson na malaki ang magiging epekto nito sa mandato ni Robredo bilang Co-Chairperson ng ICAD.  VICKY CERVALES

Comments are closed.