MISIS PINAGTATAGA NI MISTER

taga

NORTH COTABATO – PINAGTATAGA hanggang sa mapatay ang 28-anyos na misis ng seloso nitong mister sa Barangay Dumadalig, bayan ng Tantangan, South Cotabato kamakalawa ng umaga.

Sa ulat ni P/Captain Romeo Albano Jr., kinilala ang misis na si Denelyn Mara, overseas Filipino worker  (OFW) habang tumakas naman ang suspek na si Roel John Mara, 38.

Ayon kay Albano, umuwi ang biktima matapos magtrabaho sa ibang bansa noong Oktubre 31. Subalit sa halip na tumuloy sa kanyang mister sa Barangay Bukay Pait, ay tumuloy umano ito sa kanyang mga magulang sa karatig barangay ng Dumadalig.

Pinuntahan ng suspek ang kanyang misis para kausapin hanggang sa mauwi sa matinding pagtatalo at pananaga.

Naisugod pa ang biktima subalit hindi na umabot ng buhay sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.

Kasalukuyang pinaghahanap  ng mga pulis ang suspek. MHAR BASCO