MISTER NASAKSAK NG MISIS, SELOS ANG DAHILAN

saksak

ISABELA – SELOS ang naging dahilan kung bakit nasaksak at napatay ng isang ginang ang kanyang sariling asawa, matapos siyang pagselosan at pinagtangkaan si­yang saksakin nito hanggang sa maagaw niya ang patalim at masaksak niya ang asawa, na naging sanhi ng kamatayan ng biktima.

Kinilala ni P/Major Richard Gatan hepe ng Cordon, Isabela, ang biktima na si Freddie De Guzman, 34-anyos, habang ang misis na nakapatay sa kanyang mister na si Elene De Guzman, 34-anyos, residente ng Calimaturod, Cordon, Isabela.

Sa imbestigasyon ng  PNP-Cordon, habang naliligo umano si Gng. De Guzman dakong ala-1 ng hapon para bumoto nang dumating ang la­sing na asawa, nang siya ay hilahin palabas sa banyo, sinabunutan at sinuntok sa mukha.

Hindi pa umano nasiyahan ang lasing na asawa at kumuha ng kutsilyo ito at tinangka siyang saksakin at pasigaw na sinabing na lalaki daw niya ang kanyang kaibigan.

Ayon pa sa ginang nauna na silang nag-away ng kanyang mister dahil sa pinagseselosan ang kanyang kaibigan.

Tinangka umano siyang saksakin ng mister ngunit nakaiwas siya at naagaw niya ang kutsilyo at nasaksak niya ito na napuruhan sa tapat ng puso na siyang ikinamatay nito.

Kasong homicide ang inihanda sa suspek na nasa kustodiya ng Cordon Police Station. IRENE GONZALES

Comments are closed.