NADINE LUSTRE HUMIRIT NG BAKASYON NANG HINDI MAPILING DARNA

Nadine Lustre

MARAMI ang nag-expect na si Nadine Lustre ang mapipiling Darna matapos na hotshotsumayaw si Liza Soberano dahil sa nabaling daliri sa taping ng  seryeng  Bagani  last year.

Nagulat ang mga umaasa nang ianunsiyo ng Star Cinema, ABS- CBN executive at ang magdidirek ng Darna, na si Jane de Leon na ang napiling Darna.

Nang makausap ng press si Nadine ay hini­ngan ito ng reaction sa pagpili kay Jane at hindi siya ang naging mapalad.

“Well,  I mean, It`s  nice  na ‘yung  imahe ni Darna, ako ‘yung nakikita nila. But, I mean, in the very beginning  naman po, like what I said, I was never expecting  and I  didn’t  audition  din naman po.

“So, okey lang naman. I mean, I`m really happy na si Jane  ‘yung nakuha  kasi, I`ve seen her  a couple of times before, with common friends.  So, It`s  nice na siya na ‘yung bagong superhero nating lahat,” say ni Nadine.

Sinabi at pagtatanggol naman ng leading man ni Nadine ay super busy raw kasi ang actress at hindi kinaya ang sked nito.

Natawa  naman si Nadine at sabay sabi na, “Bakasyon, kaila­ngan ko ng bakasyon, eh! Hahahaha!”

JANE DE LEON ‘DI INAKALANG GAGANAP NA DARNA

Hindi naman akalain ni Jane de Leon na siya ang mapipiling bagong Darna nang JANE DE LEONipa­tawag ng mga executive at director ng Pinoy Superhero.

Nag-audition lang siya bilang kontrabida at kahit anong role basta makasama lang sa Darna.

Bata pa lang daw kasi si Jane ay paborito na niya si Darna, naroon na bumibili pa siya ng ribbon ng Darna sa buhok na kanyang kinakabit niya sa kanyang ulo.

Ganoon siya ka-die hard fan ni Darna kaya laking tuwa at pagkabigla nang sabihin sa kanya ng harapan na siya na ang hahawak ng bato ni Darna.

Magkahalong tuwa at pagkabigla ang nadama ni Jane at hindi nito napigilang mapaiyak dahil siya ang mapalad na mapiling bagong Darna.

Nangako si Jane na gagawin niya ang lahat para magampanan ng tama ang pagkakapiling Darna.

Marami ang nagtatanong kung sino raw ba si Jane de Leon?  Well, sa mga naging tagasubaybay ng blockbuster seryeng Halik nina Jericho Rosales, Yam Concepcion, si Jane ‘yung lumabas na kapatid na bunso ni Jericho.

LUIS MANZANO KINUMPIRMA NA WALA NA

SI JESSY MENDIOLA SA STAR MAGIC

PINATOTOHANAN ni Luis Manzano sa interview na umalis na nga si Jessy LUIS MANZANOMendiola sa Star  Magic na siyang nanganga­laga ng kanyang showbiz career.

Pero hindi nasabi ni Luis kung saang agency lilipat si Jessy.

Ang girlfriend lang daw niya ang makapagsasabi kung saan nito gustong lumipat ng talent management at kung sinong hahawak sa actress.

Ayon pa kay Luis ay suportado niya ang lahat ng desisyon ng kanyang kasintahan.

Ipinagtapat naman daw sa kanya ni Jessy ang desisyon nito na umalis sa Star Magic at nagbigay siya ng payo sa kasintahan, pero sa bandang huli ay si Jessy pa rin raw ang masusunod kung saan nito gustong lumipat.

Sa ngayon ay going strong ang kanilang relasyon at nagpaplano na mag-out-of-the country trip na magkasama.

Comments are closed.