(Nakapagtala ng 100 volcanic earthquakes) TAAL VOLCANO MAGDAMAG NA NAG-ALBOROTO

Taal Volcano

BATANGAS – AABOT sa 100 volcanic earthquakes ang naitala ng Bulkang Taal sa buong magdamag o 24 oras.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs), nagsimula ang ang pagyanig bunsod ng pag-aalboroto ng bulkan mula Sabado ng umaga hanggang kahapon ng umaga.

Batay sa 24-hour monitoring seismic network, isa sa naramdamang volcanic earthquake ay bandang alas-8:22, Sabado ng gabi, kung saan naitala ang intensity 1 sa Barangay Pira-piraso sa bayan ng Talisay

Noong November 21, mula sa 32.8 degrees Celsius, sinabi ng ahensiya na nadagdagan ang water temperature ng bulkan sa 33.6 degrees Celsius.

Tiniyak naman ng Phivolcs na nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM