NCAA: CSB HUMAKOT NG 5 GINTO

Josemari Aiko

IBINIGAY ni Josemari Aiko Ong ang ika-5 ginto ng College of St. Benilde nang pagharian niya ang heavyweight division sa pagtatapos ng men’s division speed kicking online meet sa NCAA Season 96 noong Martes.

Tinalo ni Ong si CSB teammate Clark Jayson Sacay para sa gold medal na may 6.917 points laban sa  6.650 points ng huli. Nagkasya si Glen Paul Salazar ng San Beda University sa bronze na may 6.367 points.

Nadominahan ng CSB ang  men’s side matapos ang eight-day virtual tournament na may 5 gold medals, 3  silvers at 1 bronze.

Ang Taft-based team ay nakakuha rin ng gold medals kina Matthew Cloyd Roxas sa middleweight, Mikko Michael Regala sa welterweight, Lau-rence Scott Santiago sa featherweight at Ivan Murray Solimen sa finweight.

Pumangalawa ang Red Jins na may 2 golds, 2 silvers at 5 bronzes, habang pumangatlo ang Arellano University overall na may 1-2-2 medal haul, at pang-apat ang San Sebastian na may isang silver.

Samantala, nadominahan ni Emie Soriano Fernandez ng Jose Rizal University ang finweight division ng women’s division upang maging unang  double gold winner sa meet na ipinalalabas sa GTV channel ng GMA-7, ang bagong television partner ng NCAA.

Ang 16-anyos na si Fernandez ay nakalikom ng 7.008 points upang gapiin sina Arellano University’s Catherine Joy Vicente, na nagkasya sa silver sa natipong 6.633, at  San Beda’s Nicole Anne Calasara, na kinuha ang bronze na may 6.608.

Si Fernandez ay nanalo rin sa  women’s poomsae standard event, dalawang linggo na ang nakalilipas.

Tabla sina Mikee Medina ng Arellano at Keith Laura Baladya ng San Sebastian sa ika-4 na puwesto na may 6.542 points.

38 thoughts on “NCAA: CSB HUMAKOT NG 5 GINTO”

  1. 213749 803117Hi this really is somewhat of off topic but I was wondering if blogs use WYSIWYG editors or should you have to manually code with HTML. Im starting a weblog soon but have no coding information so I wanted to get guidance from someone with experience. Any help would be greatly appreciated! 192891

Comments are closed.