NCAA: IKA-5 SUNOD NA PANALO TARGET NG CSB

Standings             W    L

Letran   4     0

San Beda             4     0

CSB                       4      1

Mapua  3     2

Perpetual             2     3

EAC                       2     3

Arellano               2     3

SSC-R     2     3

LPU                       1     4

JRU                       0     5

 

Laro ngayon:

(La Salle Greenhills Gym)

3 p.m. – JRU vs CSB

PUNTIRYA ng College of Saint Benilde ang ika-5 sunod na panalo sa pagsagupa sa Jose RIzal University sa NCAA men’s basketball tournament ngayong Martes sa La Salle Greenhills Gym.

Umaasa si first-year coach Charles Tiu na hindi magkakampante ang Blazers sa 3 p.m. match kontra  kulelat na  Bombers.

“I don’t seem them as a winless team. They have had games they probably deserved to win or should have won,” sabi ni Tiu. “They are a tough physical team with talented players and very well coached.”

May third-best 4-1 card, ang CSB ay nasa karera para sa dalawang outright Final Four berths kung saan naghahabol lamanh ito ng kalahating laro sa unbeaten squads Letran at San Beda.

Ang Knights at Red Lions ay nakatakda sanang magharap sa unang laro sa doubleheader, ngayong Martes ngunit iniurong ng liga ang rematch ng 2019 Finals sa April 29.

Para kay Tiu, ang tanging gusto niya ay ang humusay ang  Blazers sa bawat laro.

“We just take it one game at a time without looking at the standings. We just do our best every game and hopefully the results will follow,” ani Tiu.

Ang CSB ay galing sa 83-73 panalo kontra University of Perpetual Help System Dalta noong Sabado.