TUMAAS ang net income ng state-owned Land Bank of the Philippines sa unang tatlong bu-wan ng taon ng 52 percent sa P4.26 billion mula sa P2.81 billion na naitala sa kaparehong panahon noong 2017.
Mas mataas din ito ng 13 percent sa first quarter target ng bangko na P3.78 billion.
Ayon sa LandBank, ang malaking bahagi ng pagtaas na ito ay mula sa paglobo ng interest in-come sa loans — na lumaki ng 25 percent sa nasabing period. Ito ay dahil sa lumalawak na lending portfolio ng bangko na tinapos ang first quarter sa P694.71 billion, mas mataas ng 1/3 sa year-ago level na P529.16 billion.
“This quarter’s performance assures us that we are gaining the momentum to meet our targets this year. The 31 percent growth in our loan portfolio is also a strong indicator of our fervent drive to reach more agribusiness borrowers, especially in the countryside. The Bank’s solid financial performance is our source of financial muscle to attain our bigger mission of promoting inclusive growth,” pahayag ni Landbank President and CEO Alex Buenaventura.
Sinabi pa ng bangko na ipagpapatuloy nito ang pagkakaloob ng espesyal na atensiyon sa priori-ty sectors nito, — ang agrikultura, lalo na sa mga magsasaka at mangingisda, gayundin ang micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Ang total assets ng bangko ay lumaki rin ng 19 percent sa P1.63 trillion mula sa P1.38 trillion sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.
Ang total deposits ay nagtala ng 19 percent expansion sa P1.44 trillion mula sa P1.22 trillion, ha-bang ang total capital ay tumaas ng 22 percent sa P108.37 billion mula sa P88.63 billion. BIANCA CUARESMA
Comments are closed.