MAGING positibo at mabuhayan ng loob sa mga pag-asang tatanggapin ngayong Bagong Taon ng 2021.
“This 2021, I am confident that everyone will see “brighter days ahead” because of “indomitable spirit” of the Filipino.”
Ito ang nilalaman ng New Year’s message ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“New Year’s Day is a “time to be hopeful”, ayon sa Punong Ehekutibo at sinabing dapat maging positibo ang lahat ngayong 2021.
Sinabi pa ng Pangulo na simulan ang taon na maging masaya, mag-umpisa sa mga bagong hakbang at naging positibo sa hinaharap sa kabila ng naging napakahirap ng mga karanasan sa natapos na 2021 dahil sa pandemya.
“Today is a joyful day, a time for new beginnings and a time to be hopeful. We ended the previous year with so much difficulties and trials, but with much gratitude. It was because we endured everything– sustained by our distinct resilience as a people,” bahahi ng mensahe ni Pangulong Duterte.
Sa kabila ng mga sinagupang unos ng bansa sa katatapos na taon na bukod sa mahigit 9,000 nasawi sa COVID-19 ay may namatay rin sa paghagupit ng mga bagyong Rolly at Ulysses, payo ng Pangulo na magsilbing aral at gabay ang masasamang karanasan at pangyayari ngayong 2021.
” We can now marching on to a new year “wiser, stronger, and more prepared” for the challenges ahead, ayonnsa Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo sa mga government na nagdiwang ng Bagong Taon ay nabigyan muli ng tiyansa para makapagsilbi kaya dapat pagbutihin pa lalo na’t panahon pa rin ng pandemya.
Aminado rin ang Chief Executive na nagdulot ng pighati bunsod ng pagkasawi at danyos sa ekonomiya ang COVID-19 subalit dapat may iwan itong aral sa lahat gaya ng pagpapahalaga sa buhay.
“We realized the value of human life and our relationships with each other. We understood what it means to be a family, a community, a nation. We learned to share and to look after the welfare of our brethren,” ayon pa sa Pangulo. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.