(Noong Agosto sa gitna ng lockdown) 3.88M PINOYJOBLESS

PSA-2

TUMAAS ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong Agosto sa gitna ng mas mahigpit na lockdown para mapigilan ang pagkalat ng mas nakahahawang Delta COVID-19 variant, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang bilang ng unemployed adults —  edad 15 at pataas — ay nasa 3.88 million na katumbas ng unemployment rate na 8.1% noong nakaraang buwan.

Mas mataas ito sa  3.07 million na walang trabaho noong Hulyo, nang ang unemployment rate ay 6.9%.

Ang main economic hub Metro Manila ay lumipat sa general community quarantine (GCQ) “with heightened and additional restrictions” mula July 30 hanggang August 5 sa layuning mapigilan ang pagtaas ng COVID-19 cases.

Kasunod nito ay isinailalim ang Metro Manila sa two-week enhanced community quarantine (ECQ) period simula August 6.

Ibinalik din ang Laguna, ang karatig lalawigan ng National Capital Region, sa mahigpit na lockdowns sa natur-ang buwan.

Ang ibang lugar sa bansa ay isinailalim sa iba’t ibang quarantine levels mula modified enhanced community quarantine, GCQ, at modified GCQ.

Sinabi ni PSA chief Claire Dennis Mapa na kapag may ECQ ay tumataas ang unemployment rate.

“Kapag may ECQ, ang apektado talaga ay ang unemployment rate. Malaki ang impact ng ECQ, particularly ‘yung National Capital Region,” wika ni Mapa sa isang virtual briefing.

Bumaba rin ang employment rate sa 91.9% mula sa 93.1% noong July, o katumbas ng 44.23 million mula 48.12 million individuals sa labor force na may trabaho. Gayunman, ang numero noong Agosto ay mas mataas kumpara sa 91.3% na naitala noong April, nang magpatupad ang pamahalaan ng hard lockdowns sa NCR Plus bubble.

Iniulat din ni Mapa ang pagbaba sa underemployment rate, na nasa 14.7%. Ang underemployed Filipinos na naghahanap ng mas magandang  job opportunities ay umabot sa 6.48 million noong August, mas mababa ng 2.21 million mula sa 8.69 million noong July.

53 thoughts on “(Noong Agosto sa gitna ng lockdown) 3.88M PINOYJOBLESS”

  1. Nice to be visiting your blog again, it has been months for me. Well this article that i’ve been waited for so long. I need this article to complete my assignment in the college, and it has same topic with your article. Thanks, great share. fake driving licence card

Comments are closed.