UMABOT sa $417 million na foreign portfolio investments (FPIs) o ‘hot money’ ang pumasok sa Filipinas noong Mayo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang foreign portfolio investments ay tinatawag ding ‘hot money’ dahil sa kaluwagan ng pagpasok at paglabas ng pondo sa merkado.
Sa datos ng BSP, may $1.46 billion gross inflows at $1.04 billion gross outflows ng hot money ang naitala sa central bank para sa naturang buwan.
“This is a reversal from the net outflows of $374 million recorded in April 2021,” sabi ng BSP.
Ang $1.5 billion investments para sa Mayo ay mas mataas ng 124 percent kumpara sa $651 million na naitala noong Abril, ayon sa central bank.
Nasa 67.9 percent ng naitalang investments ay nasa PSE-listed securities habang ang nalalabing 32.1 percent ay napunta sa investments sa peso-denominated government securities.
Comments are closed.