NPA CHILD WARRIOR INABANDONA NG MGA REBELDE SA GITNA NG BAKBAKAN

Npa child warrior

NEGROS OCCIDENTAL – NASUPIL nang mga tauhan ng Philippine Army ang tangkang paglulunsad ng pananabotahe at pag­hahasik ng karahasan ng mga rebeldeng New People’s Army sa lalalawigan ng Negros Occidental matapos ang ­ilang minutong sagupaan.

Ayon kay  1st Lt. Allein Veluz ng 62nd Infantry Battalion Civil Military Operation, isang 13 anyos na batang kadre ang nadakip nang abandonahin ng kanyang mga kasamahang NPA sa pagtakas sa kasagsagan ng palitan ng putok.

Pansamantalang inilagay muna sa panga­ngalaga ng Himamaylan DSWD ang sinasabing  child warrior na si alyas John-John, 13 anyos ng Sitio Dawhan na iniwan umano ng kanyang mga kasamahan sa  encounter site.

Una rito ayon kay Veluz, “‘yun pong encounter na ‘yun is part of pursuit, ang area po na ‘yun, hotspot, ‘yung Himamaylan, may na­rekober pong items na sinasabing related sa elections, according sa intelligence namin, ‘yun po ang pupuntahan namin ngayon at titingnan, mga leaflet daw.

Patuloy na tinutugis ng mga tauhan ng 62nd Infantry (Unifier) Battalion ang mahigit 20 Communist NPA Terrorists na pinamumunuan ni alyas Jeron ng Tahod Ilahas Territorial Platoon ng  Cental Negros 2 na nakasagupa ng mga sundalo sa Sitio Dawhan, Brgy Buenavista, Himamaylan City, ng nasabing lalawigan.

Sa clearing operation ay nabawi ng military ang pitong (7) back packs with subversive documents, isang  (1) Improvised Explosive Device (IED) at  CNT Flag.

“We really appreciate the bravery of our civi­lian partner stakeholders who reported the presence of these abusive terrorists. You did it right, you should not be afraid of these group, your Army and PNP are always ready to help you against these terrorists,” ayon kay Lieutenant Colonel Egberto O Dacoscos, Commanding Officer, 62IB. VERLIN RUIZ

Comments are closed.