WALANG plano si Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na naapektuhan ng malakas na lindol noong Martes sa Samar.
Sa ginanap na situation briefing sa San Fernando, Pampanga, sinabi ng Pangulong Duterte nakatanggap siya ng ulat kaugnay sa pinsalang idinulot ng 6.1 magnitude na lindol sa iba’t ibang bahagi ng Luzon kung saan aabot sa halos 20 miyembro ng NPA ang nabaon sa lupa.
“Pagka ang NPA nabaon doon, huwag mong tulungan. Gagastos lang ako sa mga putang ina. Sabi na may nabaon doon na sampu o 20 NPAs there, just tell them that Duterte does not like to spend one centavo of fuel for the equipment to retrieve your comrades. He’s angry at you’,” giit ng Pangulo.
Aniya, hindi pag-aaksayahan ng pamahalaan ang pagliligtas sa mga rebelde at hindi gagastos kahit na isang sentimo para hukayin ang mga ito.
Sa naturang pulong, iniulat din ni Philippine Volcanology and Seismology Deputy Director Bartolome Bautista na nakapagtala ng magnitude 6.6 ang lindol na naganap noong Martes sa Eastern Samar.
Nagdesisyon si Pangulong Duterte na wakasan ang peace talks sa mga komunistang rebelde noong 2017 kasabay ng pagdeklara na ang Communist Party of the Philippines-NPA bilang terrorist organizations.
Samantala patuloy pa rin ang pagsasagawa ng rescue at retrieval operations ng mga awtoridad sa Porac, Pampanga makaraang gumuho ang isang supermaket doon na ikinamatay ng ilang indibiduwal at pagkasugat ng iba pa. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.