OLYMPIANS SA TOPS USAPANG SPORTS

sport

TULOY ang balitaan sa tagumpay ng Team Philippines sa katatapos na Tokyo Olympics sa pagbibigay ng mga pananaw at karanasan ng mga atleta at opisyal ng Philippine Sports sa “Usapang Sports on Air” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom ngayong Huwebes.

Mapapanood ng live ang programa sa Facebook at YuoTube sa alas-10 ng umaga.

Tampok na panauhin sina Philippine Olympic Committee (POC) Chairman Steve Hontiveros, two-time Olympian at swimming icon Eric Buhain, Tokyo Olympics campaigners Irish Magno (boxing), Jayson Valdez (shooting) at Elreen Ando (weightlifting).

Ang beteranong sports official na si Hontiveros ang kasalukuyang POC chairman at pangulo ng Philippine Handball Federation, habang si Buhain, pinakabagong naluklok sa PSC ‘Philippine Sports Hall of Fame’, ay inaasahang magbabahagi ng kanyang naging karanasan sa paglahok sa 1988 Seoul at 1992 Barcelona Olympics.

Hindi man nagmedalya, nagbigay ng karangalan bilang mga Pinoy campaigner sa Tokyo sina Valdez, Magno at Ando, na ipinagbubunyi ng bayan, gayundin ng Samahan ng TOPS na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games and Amusements Board (GAB).

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat na makiisa sa programa. EDWIN ROLLON

6 thoughts on “OLYMPIANS SA TOPS USAPANG SPORTS”

  1. 98970 140004Aw, this was a genuinely nice post. In thought I would like to place in writing in this way moreover – taking time and actual effort to create a extremely very good article but what / things I say I procrastinate alot and also no indicates apparently get something done. 154555

Comments are closed.