QUEZON CITY – AABOT sa P1.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu at P360,000 halaga ng marijuana ang nakumpiska sa isang compound sa Novaliches, ayon kay QCPD Director, PBGen. Joselito Esquivel Jr.
Sinabi ni Police Col. Enrico Vargas, chief district directorial staff ng QC Police District, na mahigit isang taon nilang minanmanan ang lugar bago nila isilbi ang search warrant.
Naaresto sa lugar ang 11 katao kabilang ang target ng warrant na sina alyas Wayda at Baimen habang napatay naman si Bilao na nanlaban sa mga kapulisan. PAULA ANTOLIN