P18-BILLION MRT REHAB LOAN DEAL, NILAGDAAN NG PINAS, JAPAN

MRT-12

NILAGDAAN ng mga gobyerno ng Filipinas at Japan ang isang P18-billion loan agreement para sa pagmamantina at rehabilitasyon ng Metro Rail Transit Line3 (MRT 3).

Ang loan deal ay nilagdaan nina Finance Secretary Carlos Dominguez III at Japan International ­Cooperation Agency (JICA) Senior Vice President Yasushi Ta­naka sa tanggapan ng Department of Finance (DOF) sa Manila.

Ang P18-billion loan o tinatayang ¥38 billion ay may interest rate na 0.1 percent per year, na may repayment period na 28 taon matapos ang grace period na 12 taon.

Magbabalik ang Sumitomo-Mitsu­bishi Heavy Industries ng Japan upang panga­siwaan ang pagmamantina at rehabilitas­yon ng MRT3.

Ang Sumitomo-Mitsubishi Heavy, bilang orihinal na MRT 3 maintenance contractor, ang nagdisenyo at nagtayo ng mass rail transit system, at nagsilbing maintenance contractor nito sa unang 12 taon ng operasyon.

Ayon kay Dominguez, ang MRT3 rehabilitation project ang magiging solusyon sa lahat ng problema na kinakaharap ng rail transit.

“It will rehabilitate them all, including replacement of worn out tracks, upgrading the train signaling system, and general overhaul of the 72 15-year-old LRVs (light rail vehicles),” anang DOF chief.

Sa ilalim ng proyekto, ang bilang ng train sets ay gaga­wing 20 mula 15,  da­dagdagan ang speed sa 60 kilometers per hour, at babawasan ang oras sa paparating na trains sa 3.5 minuto.

Sakop ng rehabilitation program ang track replacements, general overhaul ng trains, power supply system, overhead catenary system, CCTV system, radio at public address system, signaling system, road-rail vehicles, depot equipment, elevators at escalators, at iba pang station building equipment.

Inaasahang matatapos ang rehabilitasyon sa loob ng 43 buwan – Rehabilitation works sa unang 26 buwan, at general overhaul ng 72 light rail vehicles sa susunod na 17 buwan.

Comments are closed.