IPINAGMALAKI ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address ang nakolekta ng Bureau of Customs nitong 2018 na umabot sa P585.54 bilyon.
Dahil dito, pinuri ni Duterte si Chairman/CEO, Philippine Amusement & Gaming Corporation Andrea Domingo kasabay ng biro na magpasugal pa ng marami.
“As of July 9, 2019, we collected more than P61 billion from GOCCs or government corporations, 32% of which, or P16 billion, from PAGCOR,” ani Duterte.
Gayunman, sinabi ni Duterte na mas malaki sana ang kinita ng gobyerno kung walang korupsyon sa Customs.
“This is more than the P36 billion collected in 2017. My salute to Andrea Domingo. Magpasugal ka pa, ma’am, nang marami. Bureau of Customs, though corruption-ridden, managed to collect five hundred eighty five billion pesos (P585,000,000,000) in 2018. Imagine how much more could have been collected had the BOC been clean and less corrupt,” wika ng Pangulo.
Tinukoy rin ni Duterte ang napag-alaman niya na mayroong 64 na tauhan ng Customs ang nahaharap sa mga kasong kriminal.
“May I cut and just — magsalita lang ako kung anong sa isip ko. I went to the Bureau of Customs two weeks ago and found out that there were about 63 of them facing charges, criminal charges, and 61 of them under investigation,” sabi pa ni Duterte.
Kung hindi niya mapapatalsik ang mga tiwaling opisyal at kawani ng BOC dahil sa kanilang tenure ay posibleng payagan niya na lamang ang mga ito na manatili sa puwesto.
Pero sinabi niya na kakailanganin nila na mag-report sa Kongreso araw-araw.
“I hope that I can have the cooperation of Congress. If we cannot abolish their position and if I cannot dismiss them for the reason that there is a security of tenure, I will just allow them to have their plantilla positions but they have to report to Congress everyday to help me in the huge paperwork that we have to do everyday,” paliwanag ng Pangulo.
“All of them will go out from the premises of the Customs area. I do not want them back,” dagdag pa ng Chief Executive. VICKY CERVALES
Comments are closed.