P6.8 M SHABU NASAMSAM NG PDEA

shabu

NASAMSAM ng pinagsanib puwersa ng   Philippine Drug Enforcement Agency Region III (PDEA-3),  PDEA- RO NCR at  local police ang  may isang kilo ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang anti narco­tics operation sa Lower Bicutan sa Taguig City.

Sa ulat na ipinarating kay PDEA Director Ge­neral Wilkins Villanueva,  aabot sa P6.8 milyon ang tinatayang street value   ng droga na na-sabat ng kanyang mga tauhan sa  ML Quezon St., sa may Brgy. New Lower, Bicutan.

Naaresto naman ang mga suspek na sina Johamat Gumbay @JOJO, 24-anyos  ng New Lower Bicutan, Taguig City; at Datu Amer Landasan, 18-anyos ng  Road 12 Maguindanao St., Purok 2A, New Lower Bicutan, Taguig City.

Batay sa report PDEA-3 Regional Director Christian O Frivaldo, kay  Villanueva, ang mga naarestong  suspek ay sangkot sa malawakang bentahan ng  shabu sa  Metro Manila at sa bahagi ng lalawigan ng Bulacan.

Kapwa naharap sa kasong paglabag ng  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek. VERLIN RUIZ

Comments are closed.