P75-B BUDGET ‘INSERTION’ IIMBESTIGAHAN NG PALASYO

Presidential Spokesman Salvador ­Panelo-1

PINABUBUSISI na ng Malakanyang ang alegasyon ni House Majority leader Rolando Andaya na may isini­ngit si Budget Secretary Benjamin Diokno na P75 bilyong pork barrel funds sa 2019 national budget.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador ­Panelo, sisiyasatin nang husto ng Palasyo kung may anomalya sa pambansang pondo, kasabay ng pahayag na  mali­naw naman ang polisiya ni ­Pangulong Rodrigo ­Duterte na walang sina­santo ang kanyang administrasyon sa usapin ng korupsiyon.

Aniya, hindi rin hahayaan ng Pangulo na magkaroon ng mga paboritong distrito.

Sinabi ni Panelo na pantay-pantay dapat na mahahati ang pondo para mabigyan ng maayos na serbisyo ang publiko.

Gayunman, binigyang-diin ni Panelo na pinabulaanan na ni ­Diokno ang alegasyon ni Andaya.

Bukod dito, pinaiimbestigahan na rin, aniya, ng Malakanyang ang pagkakakuha ng CT Leoncio Construction and Trading sa mga proyekto ng pamahalaan.

Comments are closed.