TULOY na ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Pag-asa Island sa Spratlys ngayong taon.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos ang ginawang pagbisita ng Pangulo sa Benham o Philippine Rise kamakailan.
Ayon kay Lorenzana, ipinagpaliban lamang ito ni Pangulong Duterte para mapanatili ang magandang relasyon ng Pilipinas sa China.
Ang Pag-asa Island ang pinakamalaki sa siyam na Philippine military outposts sa kontrobersiyal na rehiyon at may layo lamang na 12-nautical miles sa itinayong isla ng China sa Zamora Reef. DWIZ882
Comments are closed.