WALANG dapat ikabahala sa pagbaba ng approval at trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikatlong bahagi ng kasalukuyang taon.
Ito’y ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo matapos bumagsak sa 78% ang approval rating ng Pangulo at 74% naman sa kanyang trust rating nitong Setyembre mula sa 85% na naitala noong nakaraang Hunyo batay sa survey ng Pulse Asia.
The rating is still high, it’s more than 70%. Surveys fluctuate depending on when they get them. If it is taken at a time when there are controversies hounding, it may affect the survey results,” ani Panelo.
Bagaman bumaba ang naturang rating ng Pangulo, hindi rin aniya nababahala si Panelo hinggil dito dahil mataas pa rin naman aniya ang rating ni Duterte.
Comments are closed.