HINDI pa tiyak kung makadadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Chile sa darating na Nobyembre 16 hanggang 17.
Ito ang inihayag ng Malakanyang matapos ang agarang pag-uwi ng Pangulo dahil sa iniindang karamdaman matapos ang enthronement ceremony sa Japan.
Gayundin, isa rin sa isinasaalang-alang ng Palasyo ay ang seguridad ng Pangulo dahil sa mga kilos protesta sa Chile kaugnay sa APEC Summit.
Kaugnay nito, sinabi ni Senador Christopher Bong Go na isa sa mga konsiderasyon ang mahabang biyahe patungo sa Chile kung saan halos isang araw ang ilalaan ng Pangulo sakaling magpasya itong dumalo.
Bukod pa rito, anang senador ay hinihintay rin ang magiging advice ng mga doktor kung dapat pang bumiyahe ng malayo ang Pangulo. DWIZ882
Comments are closed.