PAGHALIK NI DUTERTE SA PINAY SA KOREA, WALANG MASAMA-PALASYO

DUTERTE KISS

HINDI masama o immo­ral ang gina­wang paghalik sa labi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Pinay sa meet and greet sa Filipino community sa South Korea.

Sagot ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos umani ng pambabatikos ang ginawang paghalik sa labi ni Duterte sa nasabing Pinay.

Sinabi ni Roque sa  isinagawang  pulong balitaan sa South Korea, na paulit-ulit naman umano na bini­bigyang-diin ng Pangulo na single siya.

“I don’t think there’s anything immoral. After all, the President has reiterated he is single,” pahayag ni Roque.

“The President, of course, has had a policy of doing what he does because he does things the way he does things. If some people are offended, so be it,” pahayag ni Roque

Hindi naman nag­rereklamo ang babaeng hinalikan ng Pangulo at katunayan ay proud pa kung kaya wala nang karapatan ang iba na mag­reklamo.

Ang nasabing babae ay may asawang Koreano at may dalawang anak.

Comments are closed.