PAGPAPATUPAD NG R.A. 11229 IPINAGPALIBAN

patnubay ng driver

GOOD day, mga kapasada! AS ALWAYS, magandang araw po, mga kapasada.  Dalangin po ng pitak na ito ang isang maaliwalas na kalagayan at ligtas kayo sa lahat ng masasamang biro ng tadhana.  Ingat po ang mag-anak at pagpalain po tayo ng Poong Maykapal.

Ipinahayag nitong nakaraang buwan ng Pebrero ng Department of Transportation (DOTr) na ipinagpaliban muna nito  ang pagpapatupad ng Republic Act 11229 o ang Child Safety on Motor Vehicles Act hanggang sa matapos ang pagpapatupad ng protocol sa gitna ng COVID-19 pandemic. Ang ganitong pahayag ay ginawa ng DOTr bilang pagbibigay  halaga sa pandemya at hanggang sa maisagawa ang isang komprehensibong kampanya, edukasyon at komunikasyon na kampanya.

Ang DOTr, sa isang makabuluhang pahayag nitong Pebrero, ay ipinaliwanag na Land Transportation Office (LTO) ay maluwalhating sumasang-ayon sa pagpapaliban sa pagpapatupad ng RA 11229. Magugunita na noong Marso 2020, isang workshop  para sa pagpapatupad ng nabanggit na batas para sa kapakanang pangkaligtasan ng mga bata sa pagsakay sa sasakyan sa pamamagitan ng paggamit ng seatbealt habang nasa biyahe ang dapat sanang isasagawa ng LTO.

Gayunman, ipinalinawag ng DOTr na kinailangan itong kanselahin dahil sa COVID-19 pandemic at pagpapataw ng quarantine sa komunidad.Sa ganitong pangyayari, ang DOTr at ang LTO ay nagkasundo na ipagpaliban ang pagpapatupad sa bagong patakaran  na ito, lalo na’t nalalagay sa alanganin ang kasalukuyang pangkabuhayang kalagayan sa gitna ng patuloy na pananalasa ng pandemya. Gaya ng  ipinahayag kamakailan ni LTO Central Visayas Director Victor Kaindec, marami  pa ang dapat gawin bilang bahagi ng kanilang programa upang mabisang maipatupad ang Child Safety on Motor Vehicles Act.

Ayon kay Kaindec, kung hindi tayo nakatuon sa pagtiyak sa edukasyon upang makatiyak ang pagsunod sa kahingian nito, mabibigo tayo sa mabuting ibubunga ng naturang batas para sa kapakanang pangkaligtasan ng mga paslit na nakasakay  sa mga  behikulo sa isang mahaba o malapitang pagbibiyahe.

Inihayag ni Kaindec na habang maraming tao ang nakatuon sa pagtatanong kung kailan ipatutupad ang naturang batas, sinabi niya na nais niyang pagtuunan muna ang katiyakan na nauunawaan ng pamayanan ang layunin ng batas na ito kung papaano matutugunan ng LTO. Ipinaliwanag ni Kaindec na ang  pagpapatupad at tagumpay ng batas ay hindi tungkol sa kung gaano karami ang mga pangamba sa ginagawa ng mga implementer na ahensiya, ngunit ito ay may malaking kinalaman sa pagbabawas ng mga hadlang o nakamamatay na kaso. Inatasan ng RA 11229 ang paggamit ng Child Restraint Systems para sa mga batang wala pang 12 taong gulang sa mga pribadong sasakyan. Bukod dito, walang batang pinapayagan na umupo sa harap na upuan ng isang sasakyan.

Samantala, hinimok ni Kaindec ang mamamayan na alamin ang  buod ng batas bilang isang mahalagang hakbang upang makatiyak na ang mga interbensyon sa-kaligtasan sa kalsada ay isinasagawa tulad ng batas ng seat belt at ang batas ng kaligtasanng motorsiklo. Ipinaliwanag din ni Kaindec na hindi lamang ang LTO o ang DOTr ang naglabas ng sarili nitong memorandum o patakaran na nangangailangan ng mga upuan sa kotse, sapagkat, aniya, naipasa ito at nilagdaan ang batas noong Pebrero 22, 2019 habang ang Implementing Rules and Regulation (IRR) nito ay pinagtibay naman noong Disyembre 23, 2019 na nagkaroon naman ng bisa noong Pebrero 2020, ngunit binigyan ng pansamantalang panahon bago ang sapilitang pagpapatupad tulad ng nakasaad sa Implementing Rules and Regulation.

TIP SA MAINTENANCE NG MOTORSIKLO

Sa isyu pong ito ng ating Patnubay ng Drayber, isang napapanahong paksa ang ating tatalakayin naangkop sa kahingian sa panahon ng COVID-19 pandemic. Hindi po kaila sa ating pang-unawa na napakahalagang papel ang ginagampanan ng motosiklo bilang pinakamabisa at ligtas sa pagkahawa sa COVID-19.  Kaya naman sa kasalukuyang panahon, ang pinaka-cheap na  means ng ligtas na sasakyan ay ang motorsiklo. Ngunit mga kapasada, paano naman magkakaroon ng katiyakan na tatagal ang serbisyo ng motorsiklo sa panahong ito ay beast of burden ng ating mga nagdarahop na mamamayan?  Kailangan ang proper maintenance ng iba’t ibang bahagi ng MC.

DISC BRAKE PAANO MAMANTINAHIN

Paano ba ang tamang maintenance ng disk brake ng motorsiklo?  Kung minsan kasi, stock up (nagla-lock) ito. Ayon sa manual, para mapanatili ang mabuting kondisyon ng disc brake, kailangan natin ang sumusunod:

  1. Regular na palitan ang brake fluid.
  2. Palitan ang disc pads kung pudpod na ang mga ito dahil ito ang karaniwang dahilan kung bakit nagla-lock ang disc brake.
  3. Kung stock up, lihain ang piston para matanggal ang dumi nito.

BAKIT HARD KUNG MAG-START ANG MOTORISKLO

Ayon sa isang maintenance mechanic ng isang motorcycle shop sa Dr. A. Santos Avenue, Paranaque City, ang common issue sa nagiging dahilan ng hard starting ng motorcycle lalo na sa umaga ay kailangan ang mga sumusunod:

  1. Leave the petcock open (overnight).
  2. Bago mag-start, twist the throttle a couple of times.
  3. Gamitin ang choke.

BIKERS SAFETY TIPS

Walang pagkakaiba ang aksidente sa motorsiklo sa ibang uri ng sasakyan. Paulit-ulit at walang pinipiling panahon, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA). Gayunman, kung ang aksidente ay bunga ng kapabayaan ng  drayber, sakuna sa makinis na daan, o pagkakamali ng operator, may mga tip naman na maaaring sundin para  mabawasan, ‘di  man tuluyang maiwasan ang sakuna sa kalsada.

BAGO SUMAKAY NG MOTORSIKLO

Bago sumakay ng motorsiklo, kailangang:

  1. Basahin ang owner’s manual. Makatutulong ito para maunawaan at mapapanatili ang motorsiklo sa tamang kondisyon.
  2. I-check ang mga gulong. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng motorsiklo. Siyasatin ang balat ng mga gulong kung may hiwa at foreign object. Suriin ang tire pressure sa pamamagitan ng pressure gauge. Huwag gamitin ang panukat na galing sa gas stations dahil kadalasan ay ginamit na ito at ‘di exact ang pressure reading.
  3. Suriin ang control – ang mga kable ay kinakailangang matibay, matigas at hindi karaka-rakang mapapatid.
  4. Siyasating mabuti ang mga ilaw, turn signals, busina at mga salamin.
  5. I-check ang oil at gas.
  6. Kung ang motorsikllo ay may chain drive sa hulihan ng mga gulong, tiyaking nasa wastong ayos ang mga kadena nito.
  7. Tiyakin na ang side stand at center stand ay nakatupi nang pataas bago paktabuhin.
  8. I-check kung aktibo ang brake. Ito ang susi para makaiwas sa aksidente.

LAGING TATANDAAN:  UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. HAPPY MOTORING!

5 thoughts on “PAGPAPATUPAD NG R.A. 11229 IPINAGPALIBAN”

  1. 933311 420843Highest quality fella toasts, or toasts. will most definitely be given birth to product or service ? from the party therefore supposed to become surprising, humorous coupled with enlightening likewise. very best man speaches 350988

Comments are closed.