Madaling manloko sa pagbabayad ng buwis, ngunit hindi ito dapat gawin ng isang matinong negosyante.
Hindi ito option sa responsible tax planning. Maraming paraan para maiayos ang lahat.
Isa diyan ang pagiging laging well-informed. Lagi kasing nagbabago ang tax laws, kaya dapat, up to date ka. Ano ba naman yung magbasa ka paminsan-minsan?
Yan ang dahilan kung bakit ang mga magagaling na negosyante, laging nagbabasa ng financial times paggising pa lang sa umaga.
Maganda ring i-organize mo palagi ang records ng negosyo. Syempre hindi ikaw. Mag-assign ka ng isang mapagkakatiwalaang empleyado, o kaya naman, mag-invest ka sa isang system para maging maayos at accessible ang tax records.
Kung kinakailangan, mag-hire ka ng certified tax professional na makatutulong sa kumplikadong sitwasyon.
Mag-stick ka sa legitimate deductions and credits. Kung masyadong too good to be true ang tax strategy, ulitin mo. Baka may mali. Actually, siguradong may mali.
Uso na ang high-tech kaya mag-file ka ng taxes electronically. Pag E-filing kasi, mababawasan ang chances ng clerical errors.
Kung tutuusin, madali lang naman talaga ang tax tightrope, lalo na kung mayroong careful planning.
Minsan lamang sa isang taon ang pagbabayad ng buwis, pero isang buong taon ang paghahanda nito. Medyo complicated kasi, at nakakalito. Pero kung handa ka, everything will be alright. — JAYZL VILLAFANIA NEBRE