NAGPADALA muli ng liham sa ika apat na pagkakataon si Public Attorney’s Office (PAO) chief Atty. Persida Rueda-Acosta kay Pangulong Rodrigo Duterte upang hilingin na i-veto ang isang probisyon na isiningit sa 2021 General Appropriations Act (GAA) kung saan tinatanggalan ng pondo ang PAO Forensic Laboratory Division.
Inisa-isa ni Acosta ang mga dahilan kung bakit dapat i-veto ang isiningit ng ilang senador para tanggalan ng pondo ang forensic laboratory ng kanil-ang tanggapan.
Giit ni Acosta, unconstitutional rider, ilegal, labag sa batas ang insertion, paglabag din sa mg umiiral na rules and regulations ng Civil Service Com-mission ang naturang hakbang bunsod ng naka-plantilla position o regular ang kanilang mga tauhan na pawang mga lehitimong doktor, despotic, whimsi-cal at vindictive aniya ang nasabing hakbang at tinawag din na oppression o isang panggigipit lamang ito sa mga apektadong empleyado at pamilyang naghahanap lamang ng hustisya sa sinapit ng kanilang anak na biktima ng Dengvaxia na maaaring patawan ng Ombudsman.
Bukod pa rito, nakikita rin ng PAO chief na mayroong obstruction of justice at grave abuse of authority ang nasabing insertion bunsod ng posibleng mabalewala ang lahat ng pinaghirapan hindi lamang ng PAO kundi maging ng mga kamag anak ng mga biktima.
Sa kanyang 11-pahinang liham, nakiusap si Acosta sa Pangulo: “Forgive us, Your Excellency, as we write to you anew, pleading for your rejection and veto of the afore-mentioned surreptitiously inserted provision in the General Appropriations Bill for 2021. Our persistence on the matter is brought about by no other interest than our undying love for our clients and the nation, and our fervent desire for the rule of law and supremacy of our Constitution.”
Sa isang kalatas sa pamamagitan ng prayer, ipinarating ni Acosta “we are thus most respectfully reiterating our prayer that Your Honor, as champion of the masses, the poor, underprivileged and oppressed: VETO for being…”
“As Chief Executive, to ensure the continuous and improved delivery of adequate legal representation and assistance to indigents through forensic services to the millions of Filipino poor clients of PAO,” bahagi ng ipinadalang liham kay Pangulong Duterte. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.