PBAPC PLAYER OF THE WEEK SI PEREZ

CJ PEREZ

PINUNAN ni CJ Perez ang butas na iniwan ni main man June Mar Fajardo upang igiya ang San Miguel sa semifinals ng PBA Governors’ Cup. Wala si Fajardo dahil sa MCL sprain, binuhat ni Perez ang second-seeded Beermen sa 3-0 week, tampok ang 121-105 panalo laban sa No. 7 Converge sa kanilang quarterfinal match up noong Linggo.

Nagposte ang Gilas Pilipinas guard ng all-around averages na 23.0 points sa 55-percent clip, 10.3 rebounds, 5.0 assists, at 3.3 steals sa tatlong laro, sapat para mapili siyang Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week para sa period na March 8 at 15-19.

Si Perez ay nagsalansan ng 26 points, 12 rebounds, 5 assists, at 5 steals nang pataubin ng twice-to-beat SMB ang Converge sa quarters upang maisaayos ang Final Four duel sa sibling rival at reigning champion Ginebra.

Nauna rito, ipinakita ng dating NCAA MVP mula sa Lyceum ang kanyang kahusayan sa huling dalawang elimination round assignments ng SMB kontra NLEX at Rain or Shine upang kunin ang no. 2 seed.

Ang top overall pick sa 2018 draft ay nagpasabog ng 23 markers, 7 boards, 4 assists, at 2 steals sa 120-106 victory ng koponan laban sa NLEX noong nakaraang Miyerkoles.

At matapos ang sandaling pahinga, bumalik sa aksiyon si Perez noong Biyernes at humataw ng 20 points, 12 rebounds, 6 assists, at 3 steals sa 129-116 pagbasura sa Rain or Shine.

PINUNAN ni CJ Perez ang butas na iniwan ni main man June Mar Fajardo upang igiya ang San Miguel sa semifinals ng PBA Governors’ Cup.

Wala si Fajardo dahil sa MCL sprain, binuhat ni Perez ang second-seeded Beermen sa 3-0 week, tampok ang 121-105 panalo laban sa No. 7 Converge sa kanilang quarterfinal match up noong Linggo.

Nagposte ang Gilas Pilipinas guard ng all-around averages na 23.0 points sa 55-percent clip, 10.3 rebounds, 5.0 assists, at 3.3 steals sa tatlong laro, sa- pat para mapili siyang Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week para sa period na March 8 at 15-19.