(Pinabubusisi sa Senado) EPEKTO NG AI SA BPO, FACTORY JOBS

BPO

PINAIIMBES – TIGAHAN sa Senado ang mga posibleng epekto ng paggamit ng artificial intelligence (AI) sa ilang industriya sa bansa.

Ayon kay Senadora Imee Marcos, chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development, inihain niya ang Senate Resolution No. 591 da- hil nababahala siya sa posibleng pagkawala ng trabaho sa business process outsourcing (BPO) at original equipment manufacturing (OEM) industries, na nagpakita ng malaking potensiyal sa paglikha ng trabaho sa kabila ng pandemya.

“AI is developing faster than most people can comprehend and is threatening to take away jobs and turn employment growth upside down,” babala ng senadora sa isang statement.

“Will call center agents and factory workers soon be treated as dispensable after propping up our economy during a global health crisis?” pagtatanong pa niya.

Aniya, ang BPO industry ay lumago ng 10% sa $29.5 billion sa kasagsagan ng COVID-19 restrictions noong 2020 hanggang 2021.

Sa kanyang resolution, sinabi ni Marcos na sa pag-aaral ng Oxford Economics at USbased digital technology company Cisco, tinatayang hindi bababa sa 1.1 milyong trabaho sa Pilipinas ang mawawala sa 2028.

Bukod dito, hinulaan ng global consulting at advisory group Deloitte na 50% ng mga organisasyon sa buong bansa ang gagamit ng AI at automated machines ngayong taon.

Sinabi ni Marcos na makatutulong ang Senate inquiry para maturuan ang mga mambabatas hinggil sa global developments sa AI “and the need for both the legislative and executive branches of government to deal squarely with an inevitable technological tsunami.”

-LIZA SORIANO