HANDA na ang mga Pinoy golfer para sa Tokyo Olympics sa susunod na buwan.
Sina reigning US Women’s Open champion Yuka Saso, Asian Games bronze medalist Bianca Pagdanganan, at veteran Juvic Pagunsan ay inaasahang magku-kuwalipika sa Summer Games.
Ang 19-anyos na si Saso ay nasa ika-8 puwesto sa Olympic Golf Rankings, habang si Pagdanganan ay nasa ika-42 at si Pagunsan ay pang-51sa men’s list. Ang top 60 golfers ng bawat dibisyon ay makakuha ng tiket sa Olympics.
“Their confidence level is at their peak. They all have realistic chances even for the gold,” wika ni National Golf Association of the Philippines (NGAP) secretary-general Bones Floro sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon.
Ang golf sa Tokyo Games ay gaganapin sa July 29-Aug. 7 sa Kasumigaseki Country Club, na 30 kms mula sa downtown Tokyo.
“It’s summer in Tokyo and the weather is quite similar to the Philippines. So, they will be very comfortable,” pahayag ni Floro sa weekly forum na itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Si Saso, 19, isang Fil-Japanese, ay dapat na maging at home dahil nakabase siya sa Japan, gayundin si Pagunsan, 43-year-old mainstay ng Japan Tour sa nakali-pas na apat na taon.
Dahil sa mahigpit na protocols, ang mga kalahok ay papayagan lamang pumasok sa Tokyo, limang araw bago ang kanilang events. Subalit mabibigyan pa rin sina Saso, Pagdanganan at Pagunsan ng hanggang limang practice rounds sa exclusive course.
Sa 7,111 yards, ang course ay mas mahaba kumpara sa karamihan sa courses, at magbibigay ito ng bentahe sa mga Pinoy. Kilala silang long-hitters, lalo na si Pagdanganan, na may average na 288 yards sa kanyang drive.
Sigurado si Floro na nakapaglaro na si Saso sa Kasumigaseki layout ngunit hindi niya masabi kina Pagdanganan at Pagunsan.
“The longer the course, it will be to our advantage,” ani Floro, at sinabing may tatlong entries, ang Filipinas ang may pinakamalaking tsansa na magwagi ng Olympic medal sa golf ngayong taon.
Noong 2016 Rio Olympics ay Miguel Tabuena ang nag-iisang kalahok ng bansa. CLYDE MARIANO
230265 446512Definitely pent topic matter, regards for entropy. 492448
122980 601114I like what you guys are up too. Such smart function and reporting! Carry on the superb works guys Ive incorporated you guys to my blogroll. I feel it will improve the value of my site 552647