HANGZHOU, China – Hindi magiging madali para kay Kiyomi Watanabe at sa Filipino judokas ang laban sa 19th Asian Games here.
Inamin ni Philippine Judo Federation secretary general Dave Carter na malaki ang inihusay ng ibang mga bansa, kaya mahirap para sa kanila ang masungkit ang kanilang unang gold medal sa quadrennial meet.
Sisimulan ni Leah Jane Lopez ang kampanya ng bansa sa pagsagupa kay Abiba Abuzhaknyova ng Kazakhstan there Round of 16 ng women’s 48-kilogram ngayong Linggo sa Xiaoshan Linpu Gymnasium dito.
Sasalang din si Shugen Nakano kontra Saoud Alamiri ng Kuwait sa Round of 32 ng men’s 66-kilogram.
Nakopo ni 26-year-old Nakano ang gold medal sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi noong 2022 bago nagkasya sa silver sa 32nd biennial meet ss Cambodia noong nakaraang Mayo.
Mapapalaban siya sa isang 21-year-old
Kuwaiti na tumapos sa fifth sa 2023 Arab Judo Championships at seventh sa 2021 Asia-Oceania Judo Championships.
Bukod kina Nakano at Lopez, ang national judo squad ay binubuo nina Kessie Nakano (men’s 73-kg), John Viron Ferrer (men’s 81-kg), Carl Dave Aseneta (men’s 100-kg), Rena Furukawa (women’s 57-kg), Ryoko Salinas (women’s 70-kg), Dylwynn Gimena (women’s 78-kg), at Watanabe (women’s 63-kg).
Ang kanilang coaches ay sina Franco Teves, Gilbert Ramirez at Olympian Kodo Nakano sa four-day tourney na umakit ng 203 competitors mula sa 28 bansa.
“Winning the gold will not be easy.
But if we’re talking about medals of any color, I think our athletes have a chance,” sabi ni Carter, na ang tropa ay suportado ng Philippine Sports Commission.
Si Watanabe, 27, ang inaasahan ng bansa na manalo ng medalya
Dati siyang SEA Games champion ngunit hindi sumabak sa Hanoi edition noong 2022 makaraang magtamo ng anterior cruciate ligament tear.
Sa huling Asian Games sa Jakarta noong 2018, sumampa siya sa finals, ngunit yumuko kay Japanese powerhouse Nabi Nabekura sa gold medal match.
“Realistically speaking, it won’t be easy,” ani Carter.
“After her first match on Monday, she will be facing the top player in Asia. It’s gonna be tough.”