PISTONS BALIK SA PORMA

piston

NAGBUHOS si Blake Griffin ng 27 points, 8 rebounds at 6 assists nang putulin ng host Detroit Pistons ang six-game losing streak at wakasan ang eight-game winning streak ng Boston Celtics sa pamamagitan ng 113-104 panalo noong Sabado.

Nagposte si Andre Drummond ng 19 points, 20 rebounds, 5 blocks at 3  steals para sa Detroit, habang nag-ambag si Reggie Bullock, nagbalik mula sa five-game absence dahil sa ankle sprain, ng 15 points at gumawa sina Langston Galloway ng 14 mula sa bench at Reggie Jackson ng 12. Nagdagdag si Luke Kennard ng 10 points at 3 assists.

Nanguna si Kyrie Irving para sa Celtics sa kinamadang 26 points, 8  rebounds, 4 assists at 3 steals. Kumabig si Marcus Smart ng 21 points, 8  rebounds, 3 assists at 3 steals  at tumapos si Jayson Tatum na may 17 points at 8 rebounds.

BULLS 98,

SPURS 93

Umiskor si Kris Dunn ng 24 points, at nagdagdag si Lauri Markkanen ng 23 at nakarekober ang Chicago mula sa 21-point, second-quarter deficit upang gulantangin ang host San Antonio.

Nakalikom si Ryan Arcidiacono ng 12 points para sa Chicago, na nagwagi sa ikalawang pagkakataon pa lamang sa nakalipas na 12 games. Nagdag-dag si Robin Lopez ng 10 points para sa Bulls, na nalimitahan ang San Antonio sa 31 second-half points.

Nagtala si LaMarcus Aldridge ng 29 points at 12 rebounds, at umiskor si DeMar DeRozan ng 21 points para sa Spurs, na naputol ang four-game winning streak. Kumabig si Marco Belinelli ng 17 points, at nagdagdag si Rudy Gay ng 12.

Sa iba pang laro: Lakers 128, Hornets 100; Magic 96, Jazz 89; Rockets 105, Grizzlies 97; Thunder 110, Clippers 104; Suns 107, Timberwolves 99.

Comments are closed.