Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
4:30 p.m. – Phoenix vs Terrafirma
6:45 p.m. – San Miguel vs TNT
SINIBAK ng Rain or Shine ang Blackwater, 116-97, at pinalakas ang kanilang playoff bid sa PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Philsports Arena.
Sa kabila na naglaro na all-Filipino sa malaking bahagi ng second half, kinontrol ng Elasto Painters ang laro tungo sa lopsided na panalo at umangat sa 5-6 kartada.
Sa pagkatalo ay nahulog ang Bossing sa 3-9 record at tuluyan nang nasibak sa kontensiyon.
Lumamang ang RoS ng 18 points, 98-80, sa tatlong sunod na tres nina Jewel Ponferrada, Leonnard Santillan at Anton Asistio at hindi na pinagbiyan ang Blackwater na sinamahan ang kulelat na Terrafirma sa maagang bakasyon.
Inilabas ni coach Yeng Guiao si Ryan Pearson sa kalagitnaan ng third quarter naglaro na all-Filipino. Ibinalik ni Guiao si Pearson sa huling limang minuto at sigurado na ang panalo ng RoS.
Tumapos ang 22-anyos na produkto ng George Mason University na may 22 points at 12 rebounds.
Pinalitan ni Pearson si Steve Taylor subalit natalo ang Elasto Painters sa kanyang debut laban sa league-leading Bay Area Dragons, 87-120.
Hindi nakaiskor si Pearson sa kanyang pagbabalik sa court at ang nagdala sa RoS sa panalo ay ang mga local, sa pangunguna ni Rey Mambatac na tumipa ng team-high 21 points, 7 rebounds at 4 assists, at muling itinanghal ang kaliweteng NCAA standout na taga-Cagayan de Oro City bilang best player of the game.
Na-outscore ni Cameron Krutig si Pearson sa kanilang personal duel nang umiskor ang Blackwater import ng 23 points at kumalawit ng 16 rebounds bago inilabas ni coach Ariel Vanguardia sa huling isang minuto.
Nagpakita ng pagtutol ang Blackwater sa second quarter at lumapit sa 68-70 sa 7-0 run, apat kay Krutig at tatlo kay Justin Melton.
Hindi nasiraan ng loob ang RoS at rumatsada sa 18-3 at hindi na lumingon pa.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Rain or Shine (116) – Pearson 22, Nambatac 21, Asistio 13, Torres 13, Demusis 9, Ildefonso 7, Belga 7, Mamuyac 7, Caracut 7, Ponferrada 3, Santillan 3, Clarito 2, Guinto 2, Norwood 0, Borboran 0.
Blackwater (97) – Krutwig 23, Go 18, Jackson 13, Suerte 12, Ayonayon 10, Ular 7, Melton 6, Ebona 3, , Sena 2, Dyke 1, McCarthy 0.
QS: 24-20, 51-45, 82-71, 116-97.