PALAWAN- LIGTAS sa tiyak na kamatayan ang chief of police ng Dumaran Municipal Police Station at tauhan nito nang paulanan ng bala ang sinasakyan nilang patrol car ng hindi nakikillang mga lalakisa Taytay kahapon ng umaga.
Sa ulat ng Palawan Provincial Police Office nakaligtas sa mga bala si Dumaran Police chief. P/Captain Erwin Carandang, at ang driver security nitong si Cpl. Mark Russel Evangelista.
Nagsasagawa ng monitoring operation laban sa mga wanted person ang opisyal alas-6:10 ng umaga sa Ibangley, Brgy. Abongan nang maganap ang pamamaril, ayon kay PRO-4 -B Police Spokesperson PLt. Col. Imelda Vasquez.
Una rito iniulat ng Taytay Municipal Police Station sa pamamagitan ni Maj. Analyn Palma na pinaulanan ng bala ang sasakyan ng acting chief of police ng Dumaran Municipal Police Station habang patungo sana sa Roxas, Palawan para sa isang official mission nang bigla na lamang silang pinagbabaril. VERLIN RUIZ