PRES. DUTERTE  BALIK-BANSA

PRES-DUTERTE

NAKABALIK na sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa magkasunod na biyahe nito sa Israel at Jordan.

Alas-11 ng tanghali kahapon nang lumapag sa F. Bangoy International Airport sa Davao City ang sinasakyang eroplano ng pangulo kasama ang kaniyang delegasyon.

Agad inanunsiyo ng Pangulo ang pasalubong mula Jordan na magdo-donate ito sa Filipinas ng dalawang attack helicopters.

Lumagda rin ang Philippine at Jordanian firms ng $64.675 million na halaga ng deals.

Sa biyahe naman nito sa Israel, nilagdaan ang $82.9 million na halaga ng business deals na inaasahang lilikha ng 790 na trabaho.

Sa kanyang arrival speech, isa-isa nitong pinasalamatan ang mga opisyal nga Israel at Jordan dahil sa mga tulong, pangako sa pagtugon lalo na para sa proteksiyon at kapakanan ng mga OFWs, kasama na ang halos 1,200 na mga bagong trabaho.

Binigyang-diin ng Pangulo na ang kanyang official visit ay magdudulot ng pangmatagalang “bilateral partnerships, mutual respect, sovereign equality” at marami pang iba.

Ibinida rin ng chief executive ang napagkasunduan nila ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang mga paraan para mas mapalawak pa ang kooperasyon upang labanan ang tero­rismo, transnational crime, pagpapalawak pa ng seguridad at depensa, kasali na ang pagpapalakas ng trade and investment sa pagitan ng dalawang bansa.

PAGBAWI SA AMNESTIYA NI SEN. TRILLANES IDINEPENSA

Nilinaw rin ng pa­ngulo na kaniyang pinaninindigan ang pagbawi sa amnesty na iginawad ng nakalipas na administrasyon kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Aniya, aantayin niya na magdesisyon ang kor­te hinggil sa nakahaing petisyon ng senador na kinukuwestiyon ang pagsawalang-bisa sa amnestiya.

Tinuligsa rin ng Punong Ehekutibo si Trillanes dahil wala naman itong naitulong sa mga sundalo sa matagal na pagiging senador.

Tinawag pa niyang nagpapanggap lamang na isang “crusading soldier” at korap umano ang mambabatas.

Inamin din ni Mr. Duterte na si Solicitor General Jose Calida ang nag-research na may ma­raming butas at depektibo ang iginawad na amnestiya kay Trillanes.   PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.