MULING inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong Japanese Prime Minister na si Yoshihide Suga na bumisita sa Filipinas matapos talakayin ng dalawang lider ang mga regional issue kabilang ang usapin sa South China Sea sa katatapos na tele-summit noong Lunes Disyembre 14.
Sa statement na pinalabas ng Office of the Presidential Assistant on Foreign Affairs (OPAFA) ay nabatid na tumagal ng 25 minuto ang tel-ephone conversation nina Pangulong Duterte at Prime Minister Suga.
“President Duterte likewise noted the growing maritime security and defense cooperation between the Philippines and Japan, as he ex-changed views with Prime Minister Suga on regional issues, including the South China Sea and the situation in the Korean Peninsula,” sabi sa statement ng OPAFA.
Sa naturang pag-uusap ay pinaabot ni Suga ang pagiging interesado ng bansang Japan na makatrabaho ang Filipinas para sa pagpo-promote ng “Free and Open Indo-Pacific.”
“Japan is valued partner of the Philippines. As a friend closer than a brother, ours is an exemplary partnership that has withstood the test of time,” said pa ng OPAFA
Ang Filipinas at Japan ay magdiriwang sa susunod na taon ng kanilang 65 taong diplomatic ties at halos isang dekada ng kanilang strategic partnership.
Pinasalamatan ni Pangulong Duterte si Suga sa patuloy na suporta ng Japan sa peace and development agenda sa Mindanao at sa Build, Build, Build Program ng bansa.
Ayon sa Pangulong Duterte, ang 36-kilometer Metro Manila Subway na pinondohan ng Japan ay inaasahang magsisimula ang operasyon sa taong 2022.
“The first of its kind in the Philippines, it will be an important crowning achievement of our cooperation during my term,” giit ng Pangulong Duterte.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang Pangulong Duterte sa ipinagkaloob na 3.16 milyong dolyar na emergency assistance at dalawang sub-stantial loans para sa pandemic recovery efforts at facilitation para sa repatriation ng 3,852 Filipinos mula sa Japan ngayong panahon ng pandemya.
“Until COVID-19, the Philippines was consistently among the fastest-growing economies in the region. Our fundamentals remain robust. The support of Japan raises our optimism and confidence in containing the pandemic and steering our economy back onto its growth trajectory,” sabi pa ng Pangulong Duterte.
Umaasa naman si Suga na ang pagkakaroon ng Consulate-General of Japan sa Cebu sa darating na buwan ng Enero ay lalo pang magpapalakas at magpapatibay sa Philippines-Japan bilateral relations. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.