SA PAGPASOK ng Bagong Taon, direkta nang matatanggap ng mga nangangailangang local government unit (LGU) ang pondong kanilang hinihingi para sa kanilang mga proyekto.
Ito ay dahil na rin sa naging polisiya ng Department of Budget and Management (DBM) na nag-aatas sa mga ahensiya ng pamahalaan na kumuha muna ng sertipikasyon sa Regional Development Councils (RDCs) kaugnay sa mga proyektong ipatutupad sa taong 2021.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson na nangunguna sa krusada para sa tamang paggamit ng pondo ng pamahalaan, ang hakbang na ito ng DBM ay tutuldok na sa ‘disconnect’ na matagal nang nagpapahirap sa mga lokal na pamahalaan.
“I am thankful to DBM Secretary Wendel Avisado for requiring agencies to obtain certifications from RDCs to make sure projects have local support. This is a step in the right direction that we must follow,” ani Lacson.
Nauna rito, ipinaalam ni Avisado sa Kongreso na magiging pangunahing sangkap ng mga ahensiya sa paghingi ng badyet para sa mga proyekto ang mga sertipikasyon mula sa RDCs, at isasama ito sa paghahanda sa darating na taon ng pambansang badyet para sa 2021.
“For the P4.1-trillion budget for 2020, projects initiated by the Regional Development Councils accounted for only 25 percent of development projects in the National Expenditure Program or the President’s Budget that forms the basis of the budget bill,” paliwanag ni Lacson.
“Yet, local government units, especially those in far-flung areas, are in the best position to know their constituents’ needs and priorities,” dagdag pa niya.
Ipinaliwanag din ni Lacson na hindi mawawala ang karapatan ng mga mambabatas lalo na ang mga kongresista na lumahok sa paghingi ng proyekto dahil ang mga ito ay kabilang sa mga bumubuo ng RDCs.
“Under the Local Government Code, district representatives can help shape priority projects for their towns, cities or provinces by taking part in the Local Development Councils,” anang senador.
“What is important is to end this big disconnect between the needs and priorities of LGUs and the national budget. So long as this disconnect exists, poor provinces will get poorer because they cannot get the funding for the projects that will address their needs and priorities,” diin ni Lacson.
Bago pa man ang hakbang ng DBM, matagal nang isinusulong ni Lacson ang tamang paggamit ng pondo ng pamahalaan sa pamamagitan ng kanyang panukalang Budget Reform for Village Empowerment (BRAVE) Act of 2019, na nagbibigay ng direktang karapatan sa mga LGU na magamit ang parte ng mga ito sa pambansang badyet. VICKY CERVALES