PULISYA, MILITAR HUWAG KUMILING SA SINUMANG POLITIKO-DUTERTE

duterte

PINAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis at militar na manatiling non-partisan at huwag kumiling sa sinumang politiko.

“Mag-neutral kayo o ipaalis ko kayo rito. You must be in the middle. I will not allow the police or the military to be used by anybody – kapartido ko man o kalaban sa politika.”

Sa kanyang talumpati sa PDP -Laban campaign rally sa Malabon City noong Martes ng gabi ay sinabi ng Pangulo na marapat na mapanatili ng mga law enforcer ang batas at kaayusan nang walang takot at kinikilingan.

“Their job is to maintain law and order without fear or favor. Iyan ang utos ng Constitution, iyan ang sundin natin.” giit pa ng  Pangulo.

“I am exalting everybody na huwag kayong magkamali diyan ma­gamit ng mga goons, mga gano’n kasi papadalhan ko kayo rito ng isang batalyon na army, totoo lang. I will order the Armed Forces to go sa Malabon and hulihin lahat ‘yung mga may armas,” dagdag pa ng Pangulo.

Inendorso ni Pangulong Duterte sa naturang campaign rally ang kandidatura nina dating Special Assistant to the President Bong Go, dating PNP chief Gen. Ronald dela Rosa, Sens. Koko Pimentel, Pia Cayetano, JV Ejercito, Ilocos Norte Gov.  Imee Marcos,   Francis Tolentino, Sens. Cynthia Villar, Sonny Angara, Zajid Mangudadatu at ang singer na  si Freddie Aguilar.  EVELYN QUIROZ

Comments are closed.