Patuloy na nag-iisip si presidential son at Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ng mga panukalang batas na malaki ang maitutulong sa sambayanang Pilipino.
Gaya na lamang ng paghahain niya ng House Bill No. 7347 o panukalang naglalayon ng pagkakaroon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Flight Standards Inspectorate Service Centers (FSIC) sa Visayas and Mindanao.
Ang HB7347 ay ang pagpapalawig ng FSIC sa pamamagitan ng pagkakaroon ng centers nito sa Visayas and Mindanao na siyang magbibigay ng cost-efficient na serbisyo at central access sa buong rehiyon ng bansa.
“Kailan ang agarang maisabatas ito upang tayo ang maging one step closer to the achievement of the CAAP vision to be a pre-eminent Civil Aviation Authority in the world and a global brand of excellence in civil aviation,” ayon kay Duterte.
“Ang kawalan ng central regional office ay nagiging hadlang para sa maayos na komunikasyon na kailangan maipatupad ssa mga region-specific programs tulad na lang ng Covid-19 pandemic kung saan ang transportasyon na panghimpapawid ay may restrictions,” dagdag ni Duterte.
Comments are closed.