BUBUKSAN ng Premier Volleyball League (PVL) ang pinakaaabangang unang professional season nito sa isang bubble sa Laoag, Ilocos Norte sa Hulyo 17.
Kinumpirma ito ni PVL President Ricky Palou sa gitna ng paghahanda ng liga makaraang ilang beses na maantala ang opening dahil sa COVID-19 pandemic.
Nauna nang tinarget ng liga, na naging professional noong Nobyembre 2020, na simulan ang Open Conference nito noong Mayo sa isang bubble sa Inspire Sports Academy in Calamba, Laguna.
Gayunman, hindi ito natuloy nang magpatupad ang pamahalaan ng mas mahigpit na quarantine measures sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Inaasahang isasagawa ang mga laro sa PVL sa Laoag Centennial Arena.
Inihahanda na ng liga ang iskedyul ng mga laro para sa conference.
Labindalawang koponan ang magbabakbakan sa first season ng liga bilang isang professional outfit — Bali-Pure, Perlas, Chery Tiggo, Choco Mucho, Cignal HD, Creamline, F2 Logistics, PetroGazz, Philippine Army, PLDT Home Fibr, Sta. Lucia, at UAC Power Hitters.
Ilang koponan mula sa Philippine Superliga ang lumipat sa PVL sa kaagahan ng taon.
699032 116626Some genuinely marvellous function on behalf of the owner of this internet site, utterly outstanding content material. 773262
325677 21552Excellent website you got here! Yoo man great reads, post some far more! Im gon come back so much better have updated 803488