RIGODON SA 5 TOP OFFICIALS NG PNP

PNP

CAMP CRAME – GUMALAW ang mga posisyon ng limang matataas na opisyal kasunod ng pagreretiro kahapon, Setyembre 1, ni Deputy Director Gen. Ramon Apolinario na ang huling puwesto ay sa The Deputy Chief for Administration (TDCA).

Naabot ni Apolinario ang mandatory retirement age na 56 na nangangahulugan mababakante ang kanyang puwesto sa TDCA.

Kaya naman itinalaga ni PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde ang kaniyang mistah na si Deputy Director General Fernando Mendez bilang kapalit ni Apolinario sa TDCA.

Papalit naman kay Mendez sa The Deputy Chief for Operation (TDCO) si DDG Archie Gamboa.

Itinalaga naman para sa The Acting Chief for Directorial Staff si Director Camilo Pancratius Cascolan at magiging acting director sa Civil Security Group si Chief Supt. Reynaldo Biay.

Itinalaga naman bilang Deputy Director sa Intelligence si Chief Supt. Mariel Magaway.

Ayon naman kay PNP Public Information Chief, Sr. Supt. Benigno Durana Jr., ang pagtatalaga sa mga nabanggit na key officers ng PNP ay batay sa kanilang karanasan sa PNP.

“They were chosen based on the seniority, competence and service reputation,” ayon kay Durana.  EUNICE C.

Comments are closed.