Produkto ng isang talent search nuon si Ritz Azul. Nasabak siya sa pag-arte, pero pagkatapos ng anumang showbiz activities, umuuwi siya ng Pampanga.
Maraming nanligaw kay Ritz pero wala siyang naging boyfriend. Lalo na nang maging Kapamilya talent siya.
Sa mga panayam nuon sa kanya, natanong kung bakit wala pa siyang boyfriend at kung ano ba ang hinahanap niya sa isang lalaki.
“Hindi naman mataas ang standards ko,” ani Ritz. “Gusto ko lang, genuine, may respect, God-fearing, more on sa loob. Hindi ako tumitingin sa physical. Sabi ng papa ko, hayaan mo silang manligaw. Kung gusto ka nila talaga, magtitiyaga sila. Tingnan natin kung genuine siya sa iyo.”
Kaya naman marami ang nagulat na may nag-propose ng kasal sa kanya. Hindi talaga siya nagpakabog sa mga showbiz celebrities na nagpakasal ngayon 2021. Keber kung panahon ng pandemya corona virus.
Suwerte ni Allan dahil siya ang unang boyfriend ni Ritz, at siya na rin ang pinakasalan nito. Pero masuwerte rin si Ritz dahil mayaman ang angkan ang kanyang napangasawa.
Bongga ang naganap na kasalan sa Alphaland Baguio City Mountain Lodges.
Sa bagong kasal, best wishes and congrats.
John Lloyd Cruz move on na
NAGING panauhin si John Lloyd Cruz sa programa ni Jessica Soho. Walang paki ang produksiyon ng Kapuso Mo, Jessica Sojo (KMJS) kung magastos at nakakapagod ang taping mabigyan lang ng kasiyahan ang mga televiewers. Bakit, e napadpad kaya sila sa El Nido, Palawan kung saan nag-stay si John Lloyd sa panahon ng kanyang “leave of absence” sa showbiz.
Narating ni JLC ang rurok ng tagumpay bilang artista pero meron siyang hinananap na kung ano kaya umalis siya sa limelight at nanirahan sa El Nido.
Dalawang beses ko napuntahan ang nasabing lugar, ma-eenjoy mo ang island hopping, sariwang pagkain, malinis na kapaligiran at katahimikan.
Naging mailap ang actor. Naging misteryoso ang dating.
Ang one-on-one interview ni Jessica sa aktor ay isang challenge. Ilang artistang babae ang naugnay sa kanya pero kay Ellen Adarna lamang siya nagdesisyong magkaanak.
Pero tapos na ang kabanatang iyon ng kanyang buhay.
Si Elias Modesto nga ang kanilang lovechild, pero kasal na ngayon si Ellen kay Derek Ramsay.
Sa ngayon, bagong simula uli, at bahala na si Batman.