(Sa Metro Manila) BASURA PALIT GROCERY ITEMS

basura

MAAARING ipagpalit ng mga residente sa Metro Manila ang kanilang mga basura sa grocery items.

Inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang naturang proyekto para matugunan ang problema sa basura sa metropolis na maaaring maging sanhi ng pagbaha ngayong panahon ng tag-ulan.

Sa ilalim ng proyekto, maaaring ipalit ng mga taga-Metro Manila ang kanilang mga basura, tulad ng bote at diyaryo, sa grocery items tulad ng mga delata, bigas at noodles.

Mismong ang mga tauhan ng barangay ang pupunta sa mga bahay-bahay at iko-convert ang basurang ibibigay nila sa points, na siyang ipambibili ng mga produkto.

Magtatakda ang barangay ng iskedyul para sa pagpapalit ng basura at bibigyan ang mga residente ng passbook ng grocery points.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa mga junk shop para sa pagdi-dispose ng mga recyclable material.

Aniya, ang perang makakalap sa mga junk shop ang gagamitin ng barangay na pambili ng grocery items.

9 thoughts on “(Sa Metro Manila) BASURA PALIT GROCERY ITEMS”

Comments are closed.