UMAASA si Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy na makararanas ng komportableng buhay ang lahat ng mga Filipino gayundin ang maramdaman ang pangmatagalang kapayapaan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito ang naging kahilingan ng Pangulo kasabay ng pagbati para sa isang masaya at masaganang Bagong Taon sa lahat.
Aniya, magmula nang maupo sa puwesto ang Pangulo, wala na itong ninais pa kundi ang pagsilbihan, proteksiyunan at mabigyan ng komportableng buhay at pangmatalagang kapayapaan ang lahat ng mga Filipino.
Nang matanong naman sa New Year’s Resolution ng Pangulo, sinabi ni Panelo na wala itong nababanggit kung mayroon man.
Batay sa schedule ni Pangulong Duterte, kanyang sasalubungin ang taong 2020 kasama ang pamilya sa kanilang tahanan sa Davao City kung saan doon ito mananatili hanggang Enero 2. DWIZ 882
Comments are closed.