(Sa Q3 2023) BUSINESS CONFIDENCE BUMAGSAK

BUSINESS CONFIDENCE

BUMABA ang business confidence sa third quarter ng 2023, ayon sa survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sinabi ng BSP na nahulog ang business confidence sa 35.8% mula Hulyo hanggang Setyembre mula 40.8% sa second quarter.

Ayon sa central bank, pangunahing dahilan ng pagbaba ang weather-related disruptions at iba pang seasonal factors, mas mataas na presyo ng raw materials at production costs, mataas na inflation at interest rates, at paghina ng piso.

Ayon sa survey, ang confidence index ng industry, services, at wholesale and retail trade sectors ay bumaba, habang tumaas naman ang sa construction sector.

Humina rin ang business outlook sa lahat ng uri ng trading firms sa third quarter ng taon.

Gayunman, mas mataas ang business confidence para sa fourth quarter ng 2024 at sa susunod na 12 buwan.

Umaasa ang mga negosyo sa paglakas ng piso, at sa mas mataas na inflation at interest rates sa mga nalalabing buwan ng 2023.

Inaasahan din nila na maitatala ang inflation sa average na 5.9% sa third at fourth quarters ng taon, at sa 5.7% sa susunod na 12 buwan.