MAY dagdag-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Oktubre.
Ayon sa Petron, magpapatupad ito ng P3.75 kada kilo na pagtaas sa presyo ng household LPG simula alas-12:01 ng umaga ngayong Linggo, Oktubre 1. Katumbas ito ng P41.25 pagtaas sa pre- syo ng isang 11-kilogram LPG tank.
Itataas din ng kompanya ang presyo ng kanilang AutoLPG ng P2.09 kada litro. “These reflect the international contract price of LPG for the month of October,” ayon sa Petron