MULI na namang umangat ang satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) para sa 4th quarter ng taong 2019.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, napanatili ng Pangulong Duterte ang mataas na pagtitiwala ng taumbayan makaraang makatanggap ng excellent satisfaction rating na +72 sa SWS survey sa kalagitnaan ng kanyang tèrmino.
Nalampasan mismo ng Pangulong Duterte ang personal record-high na +68 na “very good” rating niya noong 2nd quarter ng 2019.
Sa may 1,200 respondents ay 82 porsiyento ang kuntento sa pamamahala ng Pangulo habang 10 porsiyento ang hindi kuntento habang 8 porsiyento ang undecided.
Ang naturang survey ay isinagawa noong Disyembre 13-16, 2019.
Ayon kay Andanar, magsisilbing inspirasyon ng administrasyong Duterte ang patuloy na pagtitiwala ng taumbayan sa Pangulo upang lalo pang paghusayin ang pamamalakad sa gobyerno at matupad ang mga pangakong binitiwan sa sambayanan. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.