SAYYAF, BIFF KUKUMBINSIHIN PARA SA BOL

Al Haj Murad

LANAO DEL SUR – NAKAISIP ng paraan si Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang umusad na ang Bangsamo Organic Law (BOL) sa buong Min­danao.

Ito ang inihayag ni MILF chairman Al Haj Murad  at sinabing kaniyang kukumbinsihin ang mga paksyon ng Abu Sayyaf Group at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters  (BIFF)  upang suportahan ang BOL.

Sinabi rin ni Murad na may ilang paksyon ng naturang mga teroristang grupo ang nagpahayag ng suporta sa BOL.

Si Murad ang ina­asahang mamumuno sa Bangsamoro Transition Commission sa oras na maratipikahan ang BOLaw ng ilang major areas na kabilang sa naturang batas. EUNICE C.

Comments are closed.