PABOR ang ilang senador sa plano ng Malakanyang na makipagdiyalogo sa ilang religious groups partikular na sa Simbahang Katoliko matapos sabihin ni Pangulong Duterte na umano’y istupido ang Diyos.
Sinabi ni Senate President Vicente Tito Sotto III, ‘good move’ ang desisyon ng Malakanyang upang maayos ang gusot at malinawan ang Pangulo kapag nakipag-usap na ito sa religious leaders sa bansa.
Sang-ayon din si Senador Win Gatchalian sa hakbang na ito ng Palasyo para na rin sa ikabubuti ng Pangulo.
Nauna nang pinayuhan ni Gatchalian ang Palasyo na mas makabubuti kung magkakaroon ng konsulta-syon ang Pangulo sa pagitan ng mga religious leader para malinawan ito sa kanyang pagkakamali sa pagsasabi na istupido ang pangulo.
Tila tinugunan ng Palasyo ang panagawan ni Gatchalian na agad naman na sinang-ayunan ng senador. VICKY CERVALES
Comments are closed.